Sunday, May 11, 2014

Alamat ng Pinagmulan ng Pilipino

Dalawang Alamat na Kwento Pinagmulan ng Pilipino

pinagmulan ng Pilipino
Ang Unang Babae at Lalaki
Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig. Isang araw, may isang ibong pagod na pagod na dumapo sa halamang kawayan upang mamahinga. Tinuka nito ang kawayan. Biglang nabuksan ang kawayan. Sa unang hugpungan nito ay lumabas ang unang lalaki. Sa pangalawang hugpungan ay lumabas ang isang babae na pinangalanang Babae. Silang ang kauna-unahang tao sa mundo. Kinasal ang lalaki at babae. Sila ay nagkaroon ng madaming anak na naging ninuno ng ating mga kababayan.


Ang Pangalawang alamat naman ay mas nakawiwili, ito ang kwento:

Noong unang panahon, wala pang taong naninirahan sa daigdig. Isang araw,isang diyos at diyosa ang dumalaw sa daigdig. Sila ay nalungkot sapagkat wala silang makitang tao sa mga burol, lambak at dalampasigan. Sila ay kumuha ng luwad sa tabing ilog at hinubog ito sa dalawang anyo, isang babae at isang lalake at niluto nila ito sa apoy. Dahil sa wala pa silang karanasan sa pagluluto, ang mga anyo ang maiitim sapagkat ito ay nasunog. Hindi sila nasiyahan sa kanilang ginawa kaya naghugis silang muli ng isang pares na anyo at nilagay muli ito sa apoy, dahil sa una nilang pagkabigo, naging lubha silang maingat sa pagluto kaya mabilis nilang inalis sa apoy ang mga anyong luwad. Sa kanilang pagkamangha, nakita nilang ang mga anyo ay mapuputla dahil sa hindi ito gaanong naluto. Sa pangatlong pagkakataon, gumawa na naman sila ng isang pares ng anyo at muli itong nilagay sa apoy. Sa pagkakataong ito, dahil sa kanilang sapat na karanasan, nakapagluto na sila nang walang kapintasang anyo.
Buhat sa mga nasunog na anyo ay nagmula ang maiitim na tao, maitim ang kanilang mga balat sapagkat sila ay nasunog. Mula naman sa mga hilaw na anyo ay nagbuhat mga puting tao. Ang mula sa perpektong pagkakaluto nagbuhat ang lahing kayumanggi, ang ating mga ninuno.

Naway naging kawili-wili ang dalawang kwento o alamat ng pinagmulan ng Pilipino.

3 comments:

  1. Hindi nyo kaylangang makita ang utak nyo para maniwala kayung may utak nga kayo. . .... . yung science ang sbi nagmula daw tayo sa unggoy,para skin iba ang karne ng isda iba ang karne ng ibon at iba rin ang sa hayop,.,.at ang karne ng tao hindi tulad ng sa hayop.. noon hangang ngayon. .... AT ANG MGA BITUIN AY PANTAY PANTAYLANG WALANG MATAAS WALANG MABABA,MGA BUTASYAN NG LIWANAG,HINDI MAG KAKA ANINO KUNG WALANG LIWANAG,KAYA LANG PARANG NAG TUTWINGKLEYAN DAHIL SA MANINIPIS NA ULAP NADUMADAAN. ... . . . MAKINIG ANG MAY PANDINIG,TUMINGIN ANG MGA NAKAKAKITA.
    Like?
    Love?
    Haha?
    Wow?
    Angry?
    Comment ?Share? absolute?

    ReplyDelete
  2. salamat sa sumulat.TABA NANG UTAK MO PO ..Sakit.info

    ReplyDelete
  3. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete