Sunday, May 11, 2014

Alamat ng Pinagmulan ng Pilipino

Dalawang Alamat na Kwento Pinagmulan ng Pilipino

pinagmulan ng Pilipino
Ang Unang Babae at Lalaki
Noong unang panahon, wala pang tao sa daigdig. Isang araw, may isang ibong pagod na pagod na dumapo sa halamang kawayan upang mamahinga. Tinuka nito ang kawayan. Biglang nabuksan ang kawayan. Sa unang hugpungan nito ay lumabas ang unang lalaki. Sa pangalawang hugpungan ay lumabas ang isang babae na pinangalanang Babae. Silang ang kauna-unahang tao sa mundo. Kinasal ang lalaki at babae. Sila ay nagkaroon ng madaming anak na naging ninuno ng ating mga kababayan.

Mga Ninuno ng Unang Pilipino

Mga Unang Pilipino - Ninuno at Migrasyon

 

Mga Unang Pilipino - Ninuno
Mga Ninuno ng mga Pilipino
Ang Unang Pilipino. Sino ang mga unang Tao na nanirahan sa Pilipinas? Saan sila nanggaling? Ano ang nangyari sa kanila? Ang mga katanungang ito ay mahirap masagot ng tama, kahit ng mga magagaling na siyentipikong nag-aral tungkol sa ating mga ninuno. Ang pinakamagling na paliwanag tungkol sa ating nakaraan ay maaaring nagsimula sa mga sumusunod: (1) Ang kwento ng paglikha ng Diyos sa Bibliya; (2) Ang kwento tungkol sa ebolusyon ng tao na gawa ng mga siyentipiko; (3) Ang mga alamat at kwentong bayan na likha sa guniguni ng tao.

Pinagmulan ng Tao - Teorya at Alamat

Pinagmulan ng Tao: Kwentong Biblikal at Teoryang Siyentipiko

Teorya at Alamat ng Pinagmulan ng Tao
Si Malakas at Maganda

Kuwento sa Bibliya. Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si Adan at sa unang babae na si Eba. Pagkatapos ng malakas na pagbaha (Great Flood), si Noe at ang kanyang tatlong anak ay namuhay muli sa kapatagan. Ang anak ni Noe na sina – Shem, Ham at Japhet – ay nagkaroon ng mga anak pagkatapos ng baha. Ang bunsong anak ni Japhet na pinangalanang Javan (Genesis 10:1-4) ang pinagmulan ng apat na apo ni Noe na sina – Elishah, Tharsis, Kittim at Rodanim. Ayon sa Bibliya, sa mga taong nanggaling sa arko nagmula ang mga tao na siyang kumalat at nanirahan sa kani-kanilang